Languages
Bahasa Indonesia Hindi हिन्दी Nepali नेपाली Punjabi ਪੰਜਾਬੀ
Tagalog Thai ไทย Urdu اُردُو Vietnamese Tiếng Việt

Espesyal na Sistema ng Talento (STS)

Dahil sa mga pagkakaiba-iba sa wika at kultura, ang mga tao mula sa iba’t ibang lahi ay humaharap sa maraming mga kahirapan sa proseso ng pagsanib sa kultura ng Hong Kong. Nanindigan na ang pamahalaan sa pagtatatag ng isang nangangalaga at inklusibong lipunan at nagbibigay ng komprehensibong suporta sa kanila upang maging kalugod-lugod ang pantay-pantay na oportunidad at ang pagsanib sa lipunan.

Ang Seksyon ng Pampublikong Edukasyon, batay sa YPDS, ay naglunsad ng STS upang suportahan ang mga kabataan mula sa iba’t ibang lahi. Sa pamamagitan ng isang serye ng mga gawaing kaugnay ng edukasyon ukol sa kaligtasan sa komunidad, tulad ng pagsagip kung nasa kabundukan at emerhensiyang tulong kung may bagyo, ang STS ay nagkakaloob ng tuloy-tuloy na oportunidad sa mga kabataan mula sa iba’t ibang lahi na matutuo at humusay, upang umanib sa komunidad at palawigin pa ang pakiramdam ng pagiging kaanib.

Nilalayon ng STS na mahikayat ang potensiyal ng isang indibidwal, palawakin ang personal na limitasyon at maisulong ang diwa ng pagkakaisa ng mga lahi. Ang mga pasadyang positibong aktibidad na may angkop na antas ng hamon sa isang ligtas na kapaligiran , na pinangunahan ng mga bihasang instruktor , ay dinisenyo upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng tiwala sa sarili at mapahusay ang kakayahang umangkop, habang binibigyan sila ng mga oportunidad upang makapaglingkod sa komunidad at makapagbalik sa lipunan.

Ang Sistema o Scheme ay inilaan para sa mga kabataan mula sa iba’t ibang lahi. Batay sa bilang ng mga kalahok, ang mga paaralan/organisasyon ay maaaring pumili ng mga gawain kung saan interesado sila, mula sa listahan ng mga opsyon sa pagsasanay sa ibaba upang lumahok. :

  1. Mga kasanayan sa pamumuno para sa mga punong opisyal ng paaralan/mga pinuno ng mga mag-aaral
  2. Kaligtasan sa kabundukan/labas ng tahanan
  3. Mga palaro para sa pagbuo ng koponan
  4. Matutunan ang pagsugpo ng sunog sa masusukal na lugar
  5. Makaligtas sa bagyo
  6. Mga pangunahing bagay-bagay kaugnay ng kaligtasan sa tubig
  7. Kasiyahan sa musika ng marching band
  8. Pagsasanay sa pagpapataas ng watawat
  9. Iba pang mga paksa na maaari mong isipin

Kung interesado ang inyong paaralan/organisasyon, mangyaring pindutin ang link upang kumpletuhin ang Form ng Intensyon, bago ito isumite sa Punong-tanggapan ng CAS para sa mga karagdagang pag-aasikaso.

Kung mayroon kang mga katanungan , mangyaring makipag-ugnayan sa aming mga kawani, sa 3651 9482.



Espesyal na Sistema ng Talento (STS)
Espesyal na Sistema ng Talento (STS)